Parang kailan lang nung ako’y nagsimula pa lang matutong matuto
tumayo, maglakad, sumabay, lumangoy sa alon ng buhay, ng aking buhay
Kay hirap din palang hanapin ang iyong sarili
Sa isang mundong laging nagmamadali
sa kakahabol ay tuluyan nang napagod at napaupo
Naisip ko nang sumuko
[refrain]
Dahil nakita nyo na akong sumablay,
Narinig mo na ang puso kong bumigay
[chorus]
Hay buhay, hay buhay, hay buhay nga naman
Parang kailan lang nung ako’y huling umibig
At linamon, linason ng kilig
Bawat pangako ng ligaya, sinalubong ng trahedya
Ang habangbuhay, naging babay
[repeat refrain]
[repeat chorus]
Parang kailan lang nung ako ay mag isa’t nakadapa na, walang wala na
Ako’y natutong magdasal, manalig sa maykapal
At unti–unti, sa aking sarili
Pipilitin kong di na muling sumablay,
At ang puso ko hindi na muling bumigay
[repeat chorus]